Saturday, December 24, 2011

Introduction ni Takeru Miyamoto

 Habang Sinusulat ko tong unang Blog na to ay Despiras na ng Pasko at alas onse na ng Gabi.Mag isa ako sa Kwarto walang Notche Buena, Hindi naman ako mahilig sa Christmas Party dahil baka mag kasala nanaman ako at makakilala nanaman ako ng Isang Pilipina na Nangagati ang Puke at baka Makantot ko lang ng Di oras, Kaya mas pinili ko nalang na Mag mukmuk dito sa kuwatro ko..
Ano nanaman bang Hinithit ko at naisipan kong gumawa neto. Sa totoo lang pang apat na Blog ko na to at sana eto na ang huli at Sana din ay tuloy tuloy na to.Pakiramdam ko nga parang Ang kapal nga ng Mukha ko para magsulat ng Blog dahil Hindi naman ako ganun kagalingan mag sulat at ang mga Videos ko sa Youtube ay mga napulot ko lang din mula sa mga Blog tulad ng antipinoy at sa Karanasan ko bilang isang OFW. In short isa lang akong Trying Hard.. Isang Trying hard na namulat sa Katotohanan at Realidad ng pagiging Pilipino. Isang Pipitchuging tao na umaasa ng Pag babago sa tulong din ng mga Pilipinong Mulat sa mabahong katotohanan. Isang kawawang OFW na napilitan na iwan ang Pamilya para sa kakarampot na sweldo.
Tang inang Yan ang ganda ko talgang Lalake..
  Tulad nga ng sinasabi ko madalas sa mga Networking site na si Takeru Miyamoto ay isa lang nilalang lang sa Youtube at wala siyang Personal na Buhay, Kaya hindi ako mag susulat o magsasalita kahit kelan tungkol sa Personal na Impormasyon sa Buhay ni Takeru. Bawal ang Picture taking ang Autograph at ang Eyeball. ( tang ina ang kapal ng Mukha ko, As If  !!) Bilang Introduction isusulat ko kung sino si Takeru Miyamoto at pano siya nabuo, Syempre naman alam kong Alam nyo na Hindi Talaga Takeru ang Pangalan ko diba, Kaya minsan napag kakamalan akong Hapones o Kaya OFW na naka Base sa Japan dahil sa Pangalan na Ginamit ko.
  Bakit nga ba kasi Takeru Miyamoto ang Pangalan ko ? ang Ibig sabihin ng Takeru ay " Warrior " ... Oh so Ganun??  Warrior ba ako? OO sa totoong buhay Warrior ako sa Kasibaan sa Pag kain ng Chapati at Burger King !!At ang ibig sabihin ng Miyamoto ay " Truth Temple" kaya pag pinag sama mo ay " Warrior of Truth Temple" Tang ina ano?? Hayup sa Trip.. Pero bakit naman Japanese name ang Napili ko? Alam naman natin na ang Japan ay isang First World Country, Dalawa lang sila ng USA sa kasalukuyang Panahon.. Dahil sa Aking Opinyon ang USA  ay International Terrorist at para sakin ayokong gamitin ang pangalan ng isang Amerikano para sa Screen name sa Youtube, Tama ayoko sa mga Amerikano..  Kaya Tutal nung Bata ako Adik ako kay Shaider at mask Rider Black napag desisyunan ko na pangalan ng Hapon ang gamitin.

 Bakit Hindi pangalang ng Pinoy ang Ginamit ko para talagang Makabayan? O sige nga Bigyan mo ko ng pangalan ng isang Tipikal na Pinoy? ano? Pedro. Juan, Pepe, Pedring, o kaya Potpot, kokoy, tingitng, bokbok . Una sa Lahat ang aking Pinaka Pathetic Dream sa Pilipinas ay Ang maging First World Country,(Correct) Eh alam natin na ang pangalan ng isang Pinoy tulad ng Nabanggit ko kanina ay Pangalan yan ng Tipikal na Pilipino na pag narinig mo ay ang unang papasok sa Isipan mo ay sila ang mga nilalang na wala ng Pangarap sa Buhay at kontento na lang sa Ganitong Mediocre na Buhay. Ewan ko. Ganun kasi ang Pakiramdam ko eh. halimbawa .. Pag narinig mo ang Pangalan na Juan o kaya Pedro, ano ang Unang Pumapasok sa Isip mo? Nag lalarawan ba ang pangalan na yan  ng isang Progresibong Indibidwal na nagangangarap ng Pag babago?Ang Pangalan ba na Potpot, o Bokbok ay pangalan ng Tao na nag hahangand ng Progreso sa Buhay. Diba? Gets mo? ewan ko sainyo!baka ako lang nakakaramdam nun .. Kaya Naisip ko na pangalan ng isang First world country ang screen name na gagamitin ko , eto na din ang nag papa alala sakin sa saking Pangarap na maging First World Country ang Pilipinas..eto na din ang mag bibigay sakin ng inspirasyon na kung mag tutulungan at kung bubuksan ng mga Pilipino ang kanilang isipan ay hindi talaga malabo na maging First world Country tayo..at Ang pag tanggap sa totoong realidad ng Buhay Pilipino ay ang unang hakbang para sa Pag babago.
ANG KWENTONG BARBERO NI TAKERU : Halatang Mina dali ang Logo..

 Kwentong Barbero.. Nag simula nun July 2010 sa Facebook at naupload sa Youtube nung December 07 2010. Bakit Kwentong Barbero??
 Tandaan Isa lang akong Simpleng mamamayan at ang mga Komento at Nilalaman ng mga ko ay Video hindi nangaling sa isang Eksperto na Graduate ng Politikal Science, Sociologist, Economics, o Anthropologist, Ang Layo ng Kurso ko sa para maging Eksperto sa Usapin ng Sosyodad, Kaya Kwentong Barbero lang tayo. Kwento ng totoong Nakikta at nang yayari sa  isang Simpleng tao, sablay man to o may katotohanan, Pwede mong Seryosohin o Ibasura, Pwede Kabaliwan o Katotohanan, Depende to sa Estado ng Buhay ng isang Tao, At sino ako para Gumawa neto at anong karapatan ko? Lahat tayo my karapatan mag salita, Ni minsan hindi ko sinabi na tama ang mga Pinag sasabi ko, Hindi ko sinabi na matalino ako, at ganito ang Gawin nyo, Mga tarantado kayo mali kayo at Tama ako..
.
Isa din akong Unggoy nung nasa Pilipinas ako. Tuwang tuwa kay Kris Aquino, naging Fan ni Juday, at sumisigaw na Filipino Pride tuwing nananalo si Pacman, pero lahat ng ito nag Iba nung naranasan ko ng Mag abroad.. Namulat ako na  Mukha lang pala akong Gago nun.. Tang inang yan,at Madami ang mga Pinoy na Katulad ko.. Manipulado ang utak ng Monopolyo at walang ka kwenta kwentang Local Media nayan.

AYY TEKA LANG ALAS DOSE NA.. MERRY CHRISTMAS PALA ...

 Ok balik tayo. Isa akong OFW na namulat sa Katotohanan, Nung bago ako tumuntong sa Abroad. napatanong ako kung bakit ako nandito at nag papa ka alipin sa mga Aroganteng Arabo,Hindi lang ako nag tatanong nag hahanap din ako ng sagot. hanggang sa kakahanap ko ng Sagot namulat ako na talagang Unggoy pala talaga ang iba nating mga kababayan. At mas madami silang Tanga kaysa nakaka intindi.  Pero saka ko nalang isusulat yun ibang usapan na yan eh. . at inaantok na ako.
.

Medyo magiging Mabait muna ako ngayon sa una kong Post dahil Introduction pa lang to.Simula Ngayon talgang Itutuon ko na ang Oras ko bilang isang Cyber Activist, Isang Aktibistang Alam ang Ginawa at hindi tumitigil matuto, Hindi mapapagod para sa kaalaman ng Realidad..  Hindi ako tulad ng mga nag rarally na Aktibista na makikita mo a Kalsada na parang Langaw na kung saan ang Mabahong Tae dun sila nag kukumpulan,.Dahil  Ako ay nakiipag laban sa  pinaka Ugat ng Problema, at ang Ugat ay ang mga Maling Mentalidad at Kaungguyan ng mga Pinoy, Ang Putang inang Monopolyong Walang kaluluwang Local Media, At mga Ulupong na Trapo sa Gobyerno. Hindi ako Umaayon sa mga taong nag Ra-Rally na ibaba ang presyo Gasolina, presyo ng Toll,  ang singil sa Kuryente at kung ano ano pa .. dahil Sanga lang to ng Pinaka Cancer at Pinaka Problema ng Lipunan, Labanan natin ang Pinaka ugat. At isa dito ay ang Kamang mangan at katangahan ng mga Pinoy. 
Inaantok na talaga ako.. Asahan nyo sa Blog na to ang mas matapang at ang mga Komento na hndi ko masabi sa Video dahil nahihirapan akong Idelever, Kung ano ang napapnood nyo sa youtube halos ganun din ang tema. 
Muli po  hanggang sa muli. Salamat po..

Takeru Miyamoto





معاينة